Pansamantalang hindi madaanan ang provincial road sa pagitan ng mga barangay ng San Rafael- Aglao at Buhawen dahil sa naitalang landslide samantalang nagsasagawa naman ng sand bagging operation sa gilid ng Sta. Fe River sa Barangay Santa Fe ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 05, dulot nararanasang mga pag-uulan na dala ng habagat.
Napag-alaman mula sa San Marcelino Public Information Office na ipinag-utos ni San Marcelino Mayor Elvis Soria ang paggamit ng mga heavy equipment upang protektahan ang barangay sa panganib ng pagtaas ng lebel ng tubig sa nabanggit na ilog.

Isinasagawa din ang clearing operation upang agad na madaanan ang provincial road patungong Barangay Aglao at Buhawen sa nasabing munisipalidad.


Leave a comment