Ang Pahayagan

“Benteng Bigas Meron Na” para sa mga trabahador ng Cresc Inc. sa Subic Freeport

Muling nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Zambales Field Office, sa pakikipagtulungan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ng pamamahagi ng murang bigas sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron Na” para sa 300 minimum wage earners ng CRESC Inc. sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito ang ikatlo na sa mga serye ng pagbebenta ng murang bigas para sa mga minimum wage earners sa mga kumpanyang nasa loob ng Freeport zone.

Unang naging benepisyaryo rito ang 2,867 na trabahador ng Sanyo Denki Philippines Inc. at ang 4,000 mga manggagawa ng Datian Subic Shoes Inc.

Ang aktibidad ay dinaluhan din ni SBMA Chairman and Administrator Eduardo Jose Aliño at Cresc Inc. President Kazumoto Murata,

Ang programang “Benteng Bigas Meron Na” ay patuloy na nagsisilbing mahalagang interbensyon para sa sektor ng paggawa, ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng pamahalaan na mai-angat ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino habang isinusulong ang katatagan ng lokal na lakas paggawa.

📸 DOLE Zambales Field Office

Leave a comment