Ang Pahayagan

118th Anibersaryo ng Kapanganakan ni Pangulong Ramon Magsaysay ginunita sa Zambales

Inalayan ng bulaklak at binigyang-pugay si dating Pangulo Ramon F. Magsaysay sa bantayog nito sa harap ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital ngayong araw, Agosto 29, bilang paggunita sa kanyang kaarawan sa Iba, Zambales.

Ang okasyon para sa tinaguriang “Idol of the Masses” ay pinangunahan ni Gob. Hermogenes Ebdane Jr., katuwang ang mga opisyales at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales.

Si Magsaysay ay inalala bilang isang pangulo ng bansa na mapagmahal at malapit sa taumbayan, lalo na sa mga mahihirap. Sa kanyang pamumuno, naipamalas ang pamahalaang bukas at nakikinig sa tinig ng masa.

Bago maging presidente, nagsilbi siyang Kalihim ng Pambansang Depensa, at siya rin ang kauna-unahang pangulong nagmula sa lalawigan ng Zambales.

📸 Zambales for the People

Leave a comment