Ang Pahayagan

Nawalang mangingisdang sa West Philippine Sea, nailigtas at dinala ng PCG sa Subic Bay

SUBIC BAY FREEPORT—Natagpuan sa isinagawang search and rescue mission ang isang mangingisda na iniulat na nawawala habang kasagsagan ng hagupit ng malakas na hangin at malalaking alon dulot ng Tropical Depression Isang sa Bajo de Masinloc, ayon sa ulat Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ang naturang mangingisda na si Roberto Albior, 53 taong gulang, mula sa Calapandayan, Subic Zambales na sakay ng fishing boat na FFB Saider nang mapahiwalay sa kanyang 12 kasamahan habang naglalayag sa timog-silangan ng Bajo de Masinloc noong 22 Agosto 2025.

Bunsod nito ay magkatuwang na isinagawa ang rescue mission ng Coast Guard Station (CGS) Zambales at BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) para sa tulungan na 12 mangingisda.

Habang daan ay ini-ulat naman sa isang radio message ng fishing banca na FFB Chief Iver na kanilang natagpuan ang nawawalang mangingisda.

Nagbigay ng tulong medikal at pagkain ang mga tripulante ng MRRV-4408 kay Albior habang habang naglalayag pabalik sa Zambales.

📸 PCG

Leave a comment