SUBIC BAY FREEPORT—Muling nagsagawa ang Department of Labor and Employment ng kanilang rice assistance activity sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron Na” para sa 4,000 minimum wage earner na empleyado ng Datian Subic Shoes Inc., na ginanap sa pasilidad ng kumpanya sa Subic Bay Gateway Park, Subic Bay Freeport Zone nitong Lunes ng umaga.
Ang pangkalahatang pagpapatupad ng programa ay pinangasiwaan ng focal person na si Arvin Fabian ng DOLE Zambales Field Office.

Pinangunahan ni Datian Subic Shoes Inc. President Mr. Vincent Chen ang mga naturang pamamahagi, na aniya isang mahalagang kontribusyon para sa mga manggagawa ng kumpanya
Nauna nang nagsagawa ng kahalintulad na programa para sa 2,867 minimum wage earners na nagtatrabaho sa Sanyo Denki Philippines Inc.sa Subic Techno Park noong nakalipas na Hulyo 30.
📸 DOLE Zambales


Leave a comment