Ang Pahayagan

2 suspect sa pagpatay sa 2 babae sa Zambales arestado sa Caloocan

ZAMBALES– Arestado ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ng Zambales, Provincial at Regional Intelligence Team, at Caloocan City Police Station ang dalawang suspek sa Palauig Double Murder Case nitong Sabado ng tanghali, Agosto 16 sa SOGO Hotel, Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Zambales Provincial Director PCol Benjamin P. Ariola, matapos ang masusing imbestigasyon at pangangalap ng ebidensya, napag-alaman na nagtungo umano ang dalawang (2) suspek sa Caloocan City.

Lulan umano ang mga ito sa magkahiwalay na sasakyan, isang pulang “Toyota Vios” at isang  itim na “Subaru”.

Bunsod nito ay agad na nakipag-uganayan si PRO 3Regional Director PBGen Ponce Rogelio I Peñones Jr,, sa pamunuan ng Caloocan City Police Station para sa hot pursuit operation kung saan natunton ang dalawa sa nasabing hotel.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Zambales PNP ang dalawa at mahaharap sa mga kasong Murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

“This operation shows our unity of purpose in ensuring that criminals cannot escape justice. PRO3 remains steadfast in protecting the people of Central Luzon,” saad ni Peñones.

📸 PNP Zambales

Leave a comment