Ang Pahayagan

P802-M halaga ng shabu natagpuan sa dalampasigan

BATAAN–Anim na sako na naglalaman ng hinihinalang shabu ang natagpuan sa matapos na ipagbigay alam ng isang concerned citizen sa pulisya ang kinaroroonan ng mga ito sa Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan.

Ayon kay Regional Director PBGen Ponce Rogelio Peñones, Jr, ang naturang mga kontrabando ay natuklasang naglalaman ng 118 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P802 Milyong Piso.

Natagpuan itong abandonado sa mabatong bahagi ng dalampasigan malapit sa isang parola sa nasabing lugar.

“This significant recovery is a testament to what can be achieved when the community and law enforcement work hand-in-hand. We commend the concerned citizen who came forward and our operating units for their swift and coordinated action. Every kilo of drugs we take off the streets is a step closer to safeguarding our communities and securing a better future for our nation,” pahayag ni Peñones.

📸 PNP PRO3

Leave a comment