Isang banggaan ang naganap sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLA Navy) ship, humigit-kumulang 10.5 nautical miles silangan ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, habang hinahabol umano ng CCG 3104 ang BRP Suluan nang bigla umanong gumawa ng isang mapanganib na maniobra ang CCG ship mula sa starboard quarter ng PCG vessel, na humantong sa pagtama sa barko ng PLA Navy.
“This resulted in substantial damage to the CCG vessel’s forecastle, rendering it unseaworthy,” saad ni Tarriela.
Kasunod ng banggaan, agad naman na nag-alok ng tulong-suporta ang PCG, kabilang ang tulong sa man-overboard recovery at tulong medikal para sa sinumang nasugatan na mga crew ng CCG.
Nauna rito ay sinubukang harangin ng nasabing mga dayuhan barko ang ang mga sasakyang pandagat at mangingisda ng Pilipinas na nasa naturang karagatan.
Inihatid ng MRRV 9701 ang mga mangingisdang Pilipino sa isang ligtas na lokasyon, kung saan binibigyan sila ng gasolina at mga suplay ng pagkain.
Ang BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan, kasama ang MV Pamamalakaya, ay nasa lugar upang isagawa ang “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” para sa may 35 Filipino fishing vessels na nasa Bajo de Masinloc.
📸 Screengrab from PCG video via Ang Pahayagan


Leave a comment