CLARK FREEPORT ZONE– Naharang ng mga awtoridad ang pagpuslit ng mahigit limang kilo ng ketamine na nagkakahalaga ng ₱25,310,000iligal na nakatago sa isang parsela sa Clark Freeport Zone, nitong Miyerkules, Hulyo 30.
Ang kargamento ay naunang idineklara bilang “Data Cable Roll” na ipinadala mula sa Lier, Belgium, na naka-consign sa isang indibidwal sa Rodriguez, Rizal.
Natuklasan ang mga white crystalline substance na hinihinalang ketamine, isang uri party drugs, sa anim na transparent plastic pouches.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng PDEA Region III, Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK IADITG) with the support of PNP-PRO3 PDEA Pampanga Provincial Office, Bureau of Customs-Port of Clark (CAIDTF), NBI Pampanga, PNP Aviation Security Unit 3, PNP Drug Enforcement Group, and Mabalacat City Police Station.


Leave a comment