Ang Pahayagan

Rapid Damage Assessment and Needs Analysis

Nagsagawa ng inspeksyon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na pinamumunuan ni Rolex Estella kasama si Engr. Domingo Mariano sa slope protection dike sa kahabaan ng Sto Tomas River sa Barangay Paite, San Narsico, Zambales.

Isinagawa ito upang masuri ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyong “DANTE” at “EMONG” sa nasabing istraktura na nagpo-protketa sa mga munisipalidad ng San Marcelino, San Narciso at San Felipe.

Sa direktiba ni Gob. Hermogenes Ebdane, Jr., ginawa din ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa mga coastal areas ng Barangay San Miguel, San Antonio, nang sa gayon ay tinitiyakin ang napapanahong pagtugon para sa mga apektadong residente ng lalawigan. (📸 PDRRMO Zambales)

Leave a comment