Ang Pahayagan

DA iniutos ang pagtatapon sa 500 toneladang nabubulok na smuggled products

Iniutos ng Department of Agriculture (DA) ang disposal ng mahigit 500 metriko tonelada ng misdeclared at smuggled na gulay, kasunod ng isinagawang pagsusuri na ang mga puslit na sibuyas at karot ay nakitaan na ng palatandaan ng pagkasira.

Ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., base sa mga pagsusuri ng Bureau of Plant Industry (BPI), lumabas na ang mga sibuyas at karot ay negatibo sa nakakapinsalang contaminants tulad ng E. coli at Salmonella, mga residu ng pestisidyo o metal.

Sa kabila nito aniya na pasado sa mga pagsusuri at ligtas bilang pagkain, nakitaan naman umano ng pagkabulok ang ilan sa mga gulay na kung kaya’t inerekomenda ng BPI ang pagtatapon sa mga ito.

Ang naturang mga produktong agrikultura ay nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC sa pakikipag-ugnayan ng DA) sa mga Ports of Manila at Subic, na kasalukuyang pinigil na mailabas.

Sa 17 container van na sangkot, tinatayang may market value itong aabot sa P66 milyon ng pawang umano’y misdeklaradong produkto.

Anim sa 13 container vans sa Subic na may kargang mga sibuyas ang na-misdeclare bilang chicken lollipop, habang ang ibang shipment ay ideneklara bilang smoked frankfurters o chicken sausage.

Ang mga importer na sangkot, ay nahaharap paglabag sa mga batas sa pag-importa.

Leave a comment