ZAMBALES—Apat katao ang iniulat na nasaktan matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang Cessna plane sa Iba, Zambales umaga ng Biyernes, Hulyo 11, 2025.
Nabatid mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang eroplano ay nagsasagawa ng training flight mula sa Subic nang mangyari ang insidente.
Kanilala naman ng PNP AVSEGROUP ang mga nakaligtas na sina Flight Instructor Capt. Jacques Robert Papio at ang mga student pilots na sina Quinsayas Angelo Josh, Althea Kisses Nunez at Jericho Bernardo Palma na agad dinala sa pagamutan ng mga sumaklolong rescuer.
Sa kasalukuyang isinasailalim sa medical evaluation ang mga biktima habang patuloy namang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng naturang eroplano.
: PNP-Avsegroup


Leave a comment