ZAMBALES –Matagumpay na naitawid ng mga tauhan ng 69 Cougar Battalion 71D ng Armed Forces of the Philippines ang isang stranded na pamilya na naiulat na humingi ng tulong noong umaaga ng Martes, Hulyo 8, sa Dampay Salaza, Palauig, Zambales,
Nabatid sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)- Palauig na magkasamang nagsasaka ang mag-anak sa bundok nang abutan ng sama ng panahon at hindi na sila makatawid sa dadaanang ilog dahil sa malakas na agos.

Sa mabilis na koordinasyon sa pagitan ng MDRRMO Palauig, Philippine Coast Guard, at ng 69 Cougar Battalion 71D, bandang 9:30 ng umaga nang maitawid at ligtas na naiuwi ang naturang pamilya.
📸 MDRRMO Palauig


Leave a comment