Ang low pressure area (LPA) at ang southwest monsoon o “habagat” ang patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at Western Visayas, ayon sa pagtaya na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes,Hulyo 3, 2025.
Magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan at mga pagkidlat-pagkulog sa bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora.
Pana-panahong pag-ulan din ang dulot ng “habagat,” na mananaig sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.
Ang naturang aktibong LPA ay nananatiling nasa malapit sa kalupaan ng Northern Luzon o sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan at may tsansa itong maging ganap na bagyo sa mga susunod na oras o araw.
📸 PWS/PSU


Leave a comment