Ang Pahayagan

P5M na droga at high-value individual nalambat ng pulisya

ZAMBALES—Arestado ang isang 46-anyos na lalaki na tinaguriang High-Value Individual ng kapulisan at nasamsam ang tinatayang humigit kumulang sa 755 gramo hinihinalang droga sa isang illegal drugs operation sa Brgy. Linasin, San Marcelino, Zambales.

Ayon sa ulat na natanggap ni Zambales acting Provincial Director PCol Benjamin P Ariola, matagumpay na naisagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency- Zambales at San Marcelino Municipal Police Station ang naturang operasyon noong Hunyo 12, 2025.

Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagrekober sa 755 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱5,134,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Marcelino MPS at nahaharap nsa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a comment