PANGASINAN– Nagsagawa na rin ng aerial drone surveillance ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap at marekober ang mga sako ng mga droga na posibleng naaanod pa rin sa karagatan ng West Philippine Sea.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., inilarga ng PCG ang BRP Cabra (MRRV-4409) at dalawang high-speed response boat para pa-igtingin ang maritime patrol operations sa mga nasasakupang karagatan.
Binigyang-diin ni Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) Commander, Captain Mark Larsen Mariano, ang aniya commitment ng Coast Guard sa joint anti-illegal drug operation kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs), at mga fishing communities.
“We will not halt our recovery efforts until every sack is secured. The Ilocos region must not be allowed to become a corridor for transnational crimes. We will not let these criminal elements further endanger the lives of fellow Filipinos,” saad ni Mariano.
Nagpahayag din ito ng taos-pusong pasasalamat sa mga lokal na mangingisda na nakipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagsuko ng mga sako ng iligal na droga na kanilang narekober habang nangingisda.
“You are the real heroes. Without your vigilance and assistance, securing this quantity of illegal drugs would not have been possible,” pagdidiin pa nito.
Mananatiling aktibo din aniya ang CGDNWLZN sa mga maritime patrol at aerial surveillance sa rehiyon upang lubusin ang recovery operations at maiwasan ang pagpasok ng iligal na droga sa karagatan ng Pilipinas.


Leave a comment