Ang Pahayagan

San Marcelino Mayor Elmer Soria, nag withdraw ng kandidatura, kapatid ipapalit

ZAMBALES– Sa kabila na wala namang katunggali sa posisyong tinatakbuhan, nag-atras ng kanyang kandidatura para pagka-alkalde si incumbent San Marcelino Mayor Elmer Soria nitong Biyernes, Mayo 9, 2025, tatlong araw bago ang nakatakdang National and Local Mid-term elections.

Ang pumalit sa kanya ay ang kanyang kapatid na si dating mayor Elvis Ragadio Soria, na tumatakbo kasalukuyan para sa posisyong konsehal ng bayan.

Base sa inilabas na Memorandum No. 25-09616 ng Law Department ng Commission on Elections (COMELEC) Central Office, tinanggap at pinayagan nito ang withdral ng kandidatura ni Elmer Soria bilang alkalde.

Ipinagkaloob din ng ahensya ang kahilingan ni Mayor Elmer na ang ipalit ang kanyang kapatid na si former Mayor Elvis Soria kung saan ang lahat ng boto para kay Mayor Elmer ay mailalagay sa boto ni former Mayor Elvis Soria.

Walang binanggit na kadahilan ng pagwi-withdraw ng kandidatura ang incumbent mayor.

Leave a comment