Ang Pahayagan

Anim inaresto ng NBI sa tangkang pagmanipula sa resulta ng eleksyon

MANILA– Inaresto ng National Bureau of Investigation-Olongapo District Office (NBI-OLDO) at Special Task Force (NBI-STF), ang anim (6) na indibidwal na umano’y nagbalak na manipulahin ang mga voting machine para sa ipanalo ang isang kandidato sa pagka-alkalde mula sa lalawigang Zambales.

Nag-ugat ang kaso makaraan na iparating ni iba, Zambales mayoral candidate, Atty. Genaro N. Montefalcon sa Commission on Election (COMELEC) na inalok umano siya ng mga suspek na ipapanalo ang kanyang kandidatura sa darating na halalan kapalit ng halagang Php30 Milyon.

Abril 2025 umano nang lapitan si Montefalcon at inalok na sisiguruhin nila na maipapanalo ang kandidatura niya sa paraang pagmanipula sa resulta ng Automated Counting Machines.

Nagpakilala pa umano ang isa sa mga suspek na may direktang koneksyon sa dating COMELEC chairman at sinasabi din na pamangkin siya ni senator-candidate Benhur Abalos at apo ni dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos.

Dahilan sa may pag-aalinlangan sa kanilang sinabi, ipinagbigay-alam ni Montefalcon ang insidente sa COMELEC. Nagbibigay din siya ng mga screenshot ng kanilang mga komunikasyon na naging daan upang agad na isinangguni ng COMELEC ang usapin sa Olongapo District Office (NBI-OLDO).

Sa pakikipag-ugnayan sa NBI Special Task Force (NBI-STF), isang entrapment operation ang isinagawa gabi ng Huwebes, Mayo 8 sa isang hotel sa Quezon city kung saan sinakote ng mga otoridad ang mga suspek.

Ang mga inaresto ay agad na isinailalim sa standard booking procedures upang masampahan ng mga kaukulang kaso. Iniharap din ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.) ang mga ito sa isang media conference umaga ng Biyernes.

📸 NBI

Leave a comment