MABALACAT CITY– Nasamsam ng mga awtoridad ang 994 gramo ng imported na shabu na nagkakahalaga ng Php 6,759,200.00 sa isang interdiction operation sa Port of Clark noong Biyernes (Abril 4).
Ang parsela na naglalaman ng iligal na droga ay idineklara bilang “spare parts”, na nagmula sa East Africa ay dumating sa Port of Clark noong Marso 26, 2025.
Ayon sa PDEA Clark, natuklasan ng BOC-Port of Clark ang shabu sa isang routine profiling shipment at x-ray examinations.
Agad din na nagsagawa ng K-9 sweeping ang PDEA Special Enforcement Service (SES) K-9 Unit kung saan naging positibong ang resulta.
Na ging dahilan ito upang agad na kumpiskahin ang apat (4) na transparent plastic package na naglalaman ng hinihinalang crystal meth (shabu).
Ang matagumpay na interdiction operation ay bunsod sa pagtutulungan ng PDEA Clark International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, BOC-Port of Clark, National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office, at ng PNP Aviation Security Unit 3.
Isasailalim sa forensic examination ang mga nasamsam na ilegal na kontrabando sa PDEA RO3 laboratory.


Leave a comment