ZAMBALES—Binigyan ng Department of Interior and Local Government- Central Office ng bagong firetruck ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Masinloc, Zambales nitong Lunes, Marso 24, 2025.
Bahagi ito sa DILG program para sa modernisasyon ng BFP sa buong bansa. Ang BFP Masinloc ay matagal na umanong humiling sa ahensiya ng modernong firetruck.
Personal na ini-abot ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang susi ng firetruck sa isang ceremonial turn-over na dinaluhan ng mga lokal na opisyales ng lalawigan at munisipalidad.
Ayon kay Remulla kauna-unahang bayan sa Gitnang luzon ang Masinloc na nabigyan ng 1,000-gallon firetruck simula nang siya ay manungkulan bilang Kalihim ng DILG.
📸 Zambales for the People


Leave a comment