ZAMBALES — Arestado sa isang reyd ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation– National Capital Region (NBI-NCR) ang isang lalaki dahilan sa umano’y sexual exploitation ng mga bata sa Botolan, Zambales.
Ayon sa ulat, ang operasyon ay alinsunod sa direktiba ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago na nag-ugat sa isang intelligence report tungkol sa social media account na Telegram na umano’y nag-promote ng isang malaswang palabas na nagtatampok sa isang apat na taong gulang na bata kapalit sa bayarin na mula $50.00 hanggang $150.00.
At sa pag-verify rito ay natuklasan ang isang katulad na kaso na kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) na tinukoy ng National Crime Agency ng United Kingdom.
Matagumpay na nakuha ng mga ahente mula sa NBI-NCR ang Telegram account na ginamit ng suspek sa online sexual exploitation ng mga bata at sa pakipag-ugnayan ang mga ahente sa ay nakatanggap sila ng dalawang video mula sa suspek.
Matapos matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang tirahan,nito ay agad na nag-apply ng Warrant to Search Seize and Examine Computer Data (WSSECD), na agad naman na inaprubahan ng RTC Branch 70, Iba Zambales.
Kabilang sa mga nasagip sa naturang reyd ay ang asawa ng suspek, ang kanilang dalawang menor de edad na anak, at tatlo sa mga kapatid ng misis nito, na dalawa sa kanila ay menor de edad.
Sa on-site preview na isinagawa sa telepono ng suspek ay nakita umano ito na kaparehong numero na ginamit ng Telegram account. Nakita rin sa cellular phone ang ilang video na nagpapakita ng mga dayuhang menor de edad na inaabuso ng mga lalaking nasa hustong gulang.
Nakarekober ng mga ahente ang ilang hinihinalang dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia gayundin ang ilang cellular phone, isang GCash Visa card, isang X-Pay Quadx Visa card, isang Komo Visa card, isang Go Rewards debit card mula sa Union Bank, isang green card, isang Paymaya Visa card, at isang driver’s license.
Ang naarestong suspek ay agad na dinala sa Department of Justice sa Maynila para sa inquest proceedings ng magkakapatong na kasong paglabag sa R.A. No. 11930 (Anti-Online Abuse and Exploitation of Children); Qualified Human Trafficking under Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), as amended by R.A. No. 10364; Republic Act No. 7610 (Child Abuse Law); and Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus, and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs) and Section 15 (Use of Dangerous Drugs) under Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
📸 NBI-Manila


Leave a comment