Ang Pahayagan

Pangunahing prayoridad ni Vegafria ang kabataang Olongapo

Pagtutuonan umano ng pansin ni mayoral candidate Arnold Vegafria ang mga pangangailangan ng sektor ng kabataan sa lungsod ng Olongapo.

Ito ang nabatid kay Vegafria na kilala bilang Anak ng Gapo sa isinagawang community forum sa The Palace nitong Huwebes, Marso 13.

Ani Vegafria, naniniwala siya na ang mga kabataan ngayon ay magiging napakahusay na mga lider, lalo na kung sila ay magagabayan sa paglaki na may mabuting pagkatao, kagandahang-asal at malalim na core values.

Ang mga kabataan aniya ay dapat maturuan ng maayos at mapalaki na may matibay na ethical and moral foundation kung kaya’t ang mga kabataan ang palaging magiging pangunahing priyoridad kanyang pampulitikang adhikain.

Sa naturang pulong-komunidad ay nais umano niyang ibahagi ang kanyang plano kapag nanalo sa pagka-alkalde ng lungsod. Kabilang rito ang pagtayo ng “modernong Lungsod ng Olongapo,” na may makabagong pasilidad, imprastraktura at teknolohiya upang makasabay sa iba pang progresibong lugar sa buong bansa.

Naniniwala aniya siya na estratehiko ang lokasyon ng Olongapo na magagandang destinasyon, at pangarap niya na muli itong gagawing mataong destinasyon ng turista pati na rin ang mga dayuhang mamumuhunan.

Leave a comment