Ang Pahayagan

Sampu katao, 82K halaga ng shabu nalambat sa buy-bust operation

BATAAN– Sampung indibidwal ang arestado mula sa isang umano’y makeshift drug den na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang Php 82,000.00 halaga ng crystal meth (shabu) kasunod ng buy-bust operation bandang 12:51 ng tanghali, sa Barangay Ibayo nitong Huwebes, Pebrero 20.

Nabatid sa PDEA Bataan Provincial Office na ang mga naarestong indibidwal ay pawang nasa ilalim ng surveillance ng PNP at PDEA mula pa noong Disyembre 2024.

Nakumpiska ang tinatayang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 82,000.00; sari-saring mga paraphernalia sa droga; at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ang mga nakumpiskang droga ay ipinasa sa PDEA RO3 laboratory section para sa forensic examination.

Pansamantalang detinido ang mga naarestong suspek sa Balanga MPS custodial facility, habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasasampa sa kanila sa korte.

📸 PDEA Bataan

Leave a comment