Ang Pahayagan

Zambales police namahagi ng reflectorized strap vest sa mga moto riders

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorcycle riders na nagbibiyahe lalo na sa gabi, namahagi ng reflectorized strap vest ang kapulisan sa ilalim ng Zambales Provincial Police Office sa isang Comelec checkpoint sa  bayan ng Iba gabi ng Lunes, Pebrero 17, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Provincial Director P/Col. Benjamin P. Ariola, na ang layunin ay bilang inisyal na hakbang ng kapulisan sa pagtulong na maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada lalo na sa gabi.

Isinakatuparan ito sa tulong ni P/Maj Rolando Ballon, ang hepe ng Iba Municipal Police Station na pinangunahan ang pamimigay ng mga reflectorized strap vest habang nagsasagawa ng checkpoint operation.

Nakakatulong umano sa pagpapataas ng bisibilidad ng mga motorista ang pagsusuot ng reflectorized strap vest habang nagmamaneho ng motorsiklo sa gabi.

“Aming pinapahalagahan ang bawat buhay sa kalsada kaya mahalaga na ang bawat isa ay maging responsable sa pag-iingat at sumunod sa mga safety protocols upang mabawasan ang panganib at masiguro ang kaligtasan ng lahat,” saad ni Ariola.

📸 ZPPO

Leave a comment