Ang Pahayagan

Panukala ni Cayetano para palakasin ang isang unibersidad sa Pampanga, pasado sa 2nd reading

Lusot na sa Second Reading nitong Martes ang dalawang panukalang batas ni Senador Alan Peter Cayetano na magpapalakas sa isang state university sa Pampanga na higit isang siglo nang naghahatid ng kalidad na edukasyon sa probinsya.

Ang unang panukala, Committee Report No. (CRN) 434, ay naglalayong iangat ang status ng Don Honorio Ventura State University (DHVSU) at tawagin itong Pampanga State University.

Palalawakin din nito ang academic offerings ng unibersidad at magsasabatas ng ilang pagbabago sa governing board at sa mga kapangyarihan nito.

Ang ikalawa — CRN 433 — ay nagmumungkahing gawing regular campus ang satellite campus nito sa City of San Fernando.

Dumaan sa ilang amendments mula sa Committee on Higher, Technical, and Vocational Education ang dalawang panukalang batas bago tuluyang ipinasa ng Senado sa Second Reading.

Nangyari ito higit isang buwan lang matapos i-sponsor ni Cayetano, na chairperson ng komite, ang dalawang panukala sa plenary session.

Kapag naisabatas, paiigtingin ng dalawang panukala ang kapasidad ng unibersidad na maghatid ng de-kalidad na edukasyon sa mas maraming kabataan sa Pampanga at mga karatig-lugar.

Itinatag ang DHVSU noong 1861 bilang isang school of arts and trades. Sa paglipas ng mga taon ay naging Level III state university.

Nauna nang pinuri ni Cayetano ang unibersidad sa matagumpay na pamamalakad nito sa walong campus gamit lang ang “humble budget.”

Kumpyansa ang senador na kung mapapaigting ang kapasidad ng DHVSU ay malaki ang magiging kontribusyon nito sa lumalagong ekonomiya ng Pampanga sa pamamagitan ng paghubog ng mas malawak na skilled workforce.

“Alam naman po natin that Clark is in Pampanga and Tarlac, and the Bulacan Airport is also a neighbor,” wika niya.

Ayon kay Cayetano, makatutulong ang dalawang panukalang batas na gawing mas pantay para sa lahat ng Pilipino ang oportunidad na umangat sa buhay.

“Kung hindi ka pinanganak sa mayamang pamilya or you’re not born at the right

place at the right time, in the richest cities, will you have the same opportunity of

finishing college?” dagdag pa ni Cayetano.

“This is one thing that Don Honorio Ventura State University wants with the twoHouse Bills,” pagpapatuloy niya.

Leave a comment