Matagumpay na naitaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinaguriang “monster ship” na 5901 ng China Coast Guard (CCG) upang mapalayo sa baybayin ng Zambales.
Ito ay habang na-detect naman sa Dark Vessel Detection Program ang dalawa pang barko ng CCG na nasa 34 nautical miles ang layo sa karagatan ng Pangasinan.
Ang CCG vessel 5901 ay nasa 117 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales noon pang Linggo ng gabi. Ito na ang ika-30 araw ng pananatili ng naturang barko ng Tsina sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ), ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, spokesperson for the West Philippine Sea.
Unang namataan ang CCG 5901 sa layong 54 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales noong Enero 4 at mula noon ay tinututukan na ito ng BRP Teresa Magbanua.
Samantala, dalawa pang Chinese vessel, ang 3301 at 3104, ang namataan sa karagatan ng Pangasinan kung saan nagsagawa ng radio challenge ang Pilipinas upang palayasin ang mga ito.
Ipinadala din ng PCG ang mga barko nito na BRP Cabra at BRP Bagacay sa Bolinao, Pangasinan para patuloy na magbantay.
“The PCG is committed to preventing the normalization of the People’s Republic of China’s illegal deployment of maritime forces in the region,” ani sa statement na inilabas ni Tarriela.
“The PCG remains resolute in its commitment to safeguard the welfare of Filipino fishermen, uphold our maritime rights, enforce international law, and foster de-escalation of tensions in our waters,” pagdidiin pa nito.


Leave a comment