Ang Pahayagan

1,887 tumanggap ng educational assistance

ZAMBALES—Tumanggap ang may 1,887 benepisyaryo ng tulong pang-edukasyon sa ilalim ng “Handog Edukasyon” na kabilang sa mga priority program ng pamahalaan ng Zambales, sa pamumuno ni Gobernador Hermogenes Ebdane Jr. na ginanap sa Iba Sports Complex nitong Enero 31, 2025.

Kabilang sa mga nabigyang ng tulong pinansyal ang may kabuoang 742 na tinaguriang Outside – Zambales, gayundin ang 458 na board examiners, 524 ay mga estudyanteng kumukuha ng Master’s o Doctorate degrees, at 163 na may Latin honors.

“Bilang ama ng ating lalawigan, ako ay lubos na umaasa na makakatulong ang munting paraang ito sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral,” saad sa mensahe ni Ebdane sa mga benepisyaryo na ipinarating ni G. Eric Matibag.

📸 Zambales for the People

Leave a comment