Nasa pangangalaga na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 55-meter vessel na M/V Amazing Grace mula sa Philippine Red Cross (PRC) matapos ang turn-over nitong Huwebes, Enero 30, 2025.
Ito ay matapos na lagdaan ang deed of donation sa pagitan nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L Gavan at PRC Chairman Richard J. Gordon sa PRC National Headquarters sa Mandaluyong City.

Ang M/V Amazing Grace ay magsisilbing kritikal na asset sa paghahatid ng tulong medikal at humanitarian sa mga malalayong komunidad, partikular sa mga lugar na baybayin.
Layon nito na mapalakas pa ang kakayahan ng PCG na tumugon sa mga emergency, natural disaster at krisis sa kalusugan ng publiko.
Binigyang-diin ni PRC Chairman Gordon na nakatadhana sa humanitarian principles ang kanilang aksyon upang ipagkaloob ang naturang sasakyang pandagat sa PCG. Maaari aniyang magamit ang bapor sa mga misyon sa malalayong lugar tulad ng Pagasa Island.
“We are very fortunate that the Red Cross has recognized that transferring a key asset of the PRC to the Coast Guard would somehow enable both of us to put more value to this asset. Rest assured that the coast guard will do everything we can to put that value both of us desires,” saad naman ni Gavan
Dumalo din sa seremonya sina Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio, ang PCG Acting Deputy Commandant for Administration and Chief of Coast Guard Staff at si Commodore Arnaldo Lim Commander ng CGFLEET at mga opisyales ng PRC.
📸 PRC at PCG


Leave a comment