Nangangailangan ang Seatrium Subic Shipyard, Inc. (SSSI), nangungunang shipyard group sa Pilipinas, ng mahigit sa 1,000 mga manggagawa para sa operasyon nito sa dating Keppel Shipyard sa Barangay Cawag, Subic, Zambales
Ayon kay SSSI Human Resource Manager Alexander Caoleng, naghahanap ng mga bagong graduate at registered engineers sa iba’t-ibang larangan ng ship repair, kung kaya’t isasagawang SSSI Job Fair darating na ika-5 ng Pebrero.
Nabatid na kailangan ng naturang kumapanya ang mga Civil engineers, Mechanical engineers, Electrical engineers, Naval architects, at Marine engineers.
Nangangailangan din ng mga skilled workers, tulad ng welders, karpentero, drayber at mga technician, at mga office at commercial staff.
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magpasa ng résumé, mga supporting document at valid IDs sa araw ng job fair na gaganapin sa Miyerkules, February 5, simula ng 9:00 AM hanggang 5:00 PM sa Subic Sports Complex (malapit sa Subic Market at Kolehiyo Ng Subic).


Leave a comment