SUBIC BAY FREEPORT— Nagtala ng pagtaas ng 4.8 porsyento ang bilang ng mga manggagawa sa Subic Bay Freeport zone sa bilang na 164,400, ayon sa isang pahayag Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) nitong Miyerkules, Enero 22, 2025.
Sa rekord ng SBMA Labor Center, nananatiling pinakamalaki ang bilang rito ng mga nasa services sector na may 116,776 empleyado sa 4,014 companies. Natala ang pagtaas ng 1,134 workers mula 116,776 mga empleyado nitong 2024 kumpara noong 2023 na 115,642.
Ang mga nasa services sector ay may mga manggagawa mula sa Olongapo City (46,857), Bataan (14,984), Zambales (17,999), Pampanga (4,419), National Capital Region (5,441), Tarlac (1,727), at iba pang lugar (25,349).
Naitala naman ang bilang ng mga manggagawa sa manufacturing sector mula sa Olongapo City (13,738), Bataan (3,843), Zambales (8,154), Pampanga (188), National Capital Region (140), Tarlac (79), at iba pang lugar (1,342).
Iniugnay ni SBMA Chairman at Administrator Eduardo Jose L. Aliño ang pagtaas ng manufacturing sector workforce dahilan aniya sa pagtaas naman ng mga order sa mga manufacturing companies’ noong 2023 kung saan meroong 156,811 na mga manggagawa na naging 164,400 sa taon 2024.
Sa construction sector naman ay umabot sa 13,953 ang nagtrabaho ng 320 mga kumpanya.
Naitala rito ang pagtaas ng 95 manggagawa sa sektor ng konstruksiyon, kung saan 13,953 manggagawa ang naitala noong 2024, mula sa 13,858 na mga manggagawa noong 2023.
“And we are anticipating more employment opportunities in Subic Freeport because of President Ferdinand Marcos Jr.’s aggressive efforts to bring more foreign companies to invest in the country since it has been his administration’s thrust to create more jobs for Filipinos through foreign direct investments,” saad ni Aliño.


Leave a comment