Nananatiling naka-deploy sa baybayin ng Zambales ang BRP Teresa Magbanua upang harapin ang presensya ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa lugar, ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG).
Nabatid sa pahayag ni Commodore na si Jay Tarriela, spokesperson ng PCG para sa West Philippine Sea (WPS), na isang barko ng CCG na may bow number na “3304” ay iligal na naglalayag ng humigit-kumulang 70 hanggang 80 nautical miles sa baybayin ng nasabing lalawigan.
Noong Miyerkules, iniulat ng PCG ang mga nakitang sasakyang pandagat ng CCG na “3103” patungo sa Zambales upang palitan ang CCG-5901, na tinaguriang “monster ship”, matapos ang limang araw na pamamalagi nito sa karagatan ng Pilipinas.
Ang barkong CCG na “3304” kalaunan ay pinalitan ang sasakyang “3103,” ani Tarriela.
“The continued vigilance of BRP Teresa Magbanua serves as a proactive measure to ensure that Filipino fishermen can carry out their activities without the threat of harassment or intimidation,” pagdidiin nito.
“The deployment of the PCG’s white ship underscores a commitment to monitoring and maintaining a visible presence to deter illegal activities by the Chinese Coast Guard while adhering to principles of restraint and non-provocation,” saad pa ni Tarriela.
📸 PCG


Leave a comment