SUBIC BAY FREEPORT – Binuksan sa Subic Freeport ang isang bagong firing range para sa mga gun enthusiasts at law enforcers kung saan maaaring sanayin ang kanilang shooting skills.
Ang 3,000 square meter na pasilidad ng Subic Freeport Shooting Range Inc., na may commitment investment na P25 milyon, ay matatagpuan sa Corregidor Highway, Ilanin Forest, sa Sibiic Bay Freeport.

📸 Si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Eduardo Jose L. Aliño kasama si Philippine shooting Olympian na si Jethro Dionisio sa pagbubukas ng The Range, ang pinakabago at modernong firing range sa Subic Bay Freeport zone.
Layon ng commercial shooting at target range na i-promote ang target shooting bilang isang sport at makatuklas din ng mga mahuhusay na target shooters.
Dinaluhan ang okasyon ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Eduardo Jose L. Aliño, mga SBMA Board of Directors at ang pinakamahuhusay na shooters ng bansa na sina Jethro Dionisio at Khalil Viray.

📸 Kasama ni Aliño ang mga miyembro ng Olongapo Practical Shooters Association para sa souvenir photo sa pagbubukas ng The Range.
📸 Ang Pahayagan


Leave a comment