Ang Pahayagan

Php2.65M halaga ng shabu nasabat ng BOC Clark

CLARK FREEPORT ZONE– Nakasabat ang mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang tinatayang PhP2.652 million halaga ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o “Shabu” na ikinubli at ideneklarang mga “Gift Items Coffee Bags (Variety), Candy or Snacks,” mula sa Estados Unidos.

Nabuking ang tangkang pagpuslit ng naturang kargamento sa X-ray Inspection Project at sa pisikal na inspeksyon noong Disyembre 19, 2024

Sa karagdagang imbestigasyon, apat na bag ng kape ang natagpuang naglalaman ng apat (4) na vacuum-sealed transparent pouch ng Methamphetamine Hydrochloride o “Shabu”, na tumitimbang ng 390 gramo.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng laboratory analysis na positibo ang substance ay Methamphetamine Hydrochloride na klasipikadong dangerous drug sa ilalim ng amended R.A. No. 9165.

Isinagawa ang joint physical examination ng mga representante mula sa PDEA Regional Office III, PNP Aviation Security Unit General Aviation, PNP Drug Enforcement Group III, NBI Pampanga, at mga Barangay Officials mula sa Dau, Mabalacat City.

Naglabas ng Warrant of Seizure and Detention para sa naturang shipment dahilan sa nilabag nitong Section 118(g), Section 119(d), and Section 1113 paragraphs f, i, and l (3 and 4) of R.A. No. 10863, or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in connection with R.A. No. 9165.

📸 BOC-Port of Clark

Leave a comment