Ang Pahayagan

PCG kinumpirma ang pagtambay muli ng barko ng Chinese Coast Guard sa karagatan malapit sa Zambales

ZAMBALES – Sa kabila na lumayo na sa katubigan na sakop ng lalawigang ito ang tinaguriang “Monster ship” ng bansang Tsina, agad naman humalili ang isa pang barko ng Chinese Coast Guard sa eksaktong lugar na nilisan nito.

Ito ang inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na nagsabing umalis sa Zambales ang CCG vessel 5901 nitong Miyerkules, Enero 08.

Bagamat lumisan ang Monster ship, dumating naman ang CCG-3101 upang pumalit sa binakanteng lugar ng CCG 5901.

Dakong ika-3 ng hapon ay natala sa Canada Dark Vessel Detection ang CCG-3101 na nasa 60 nautical miles sa Pundaquit, San Antonio, Zambales.

“This indicates that CCG-3103 is likely serving as a replacement vessel for the monster ship, thereby sustaining its illegal presence within the Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ),” ani Tarriela.

Bunsod nito ay agad na inutos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang pagdeploy ng isang PCG Islander aircraft sa lugar upang kumpirmahin ang lokasyon ng bagong dating na barko ng Tsina.

“Additionally, the PCG vessel BRP Cabra is heading towards the location of CCG-3103 to monitor and challenge its presence,” ani Gavan.

📸 Ang tala ng Canada’s Dark Vessel Detection System na nagpapakita sa China Coast Guard (CCG) vessel 3103 na lumayag mula Guandong Province sa China patungong karagatan ng Zambales (PCG)

Leave a comment