Subic Bay Freeport – Inihayag ni SAGIP Partylist Representative at ngayo’y kumakandidato para pagka-Senador na si Rodante Marcoleta na nais niyang maibaba ang singilin sa kuryente para sa mga maliliit na mamamayan.
Sinabi ito ng mambabatas sa ginawang pulong-balitaan sa Essa Restaurant ng Riviera Hotel sa Subic Bay Freeport nitong Lunes, Enero 6. 2025.
Ani Marcoleta, sampung resolusyon na ang kanyang naihain sa Kamara subalit ikinadidismaya umano niya na isa man sa mga ito ay hindi umusad o binibigyang pansin ng mga kapwa mambabatas.
Ang naturang mga resolusyon na tinawag niyang “power bills’, ay mayroon pang kakambal na labindalawa pang resolusyon na patungkol din sa kung papaano maibababa ang singil ng kuryente sa bansa.
Sa kabila nito ay sinabi niya na posibleng maraming “stakeholders” ang masasagasaan kapag ipipilit na maibinaba ang singil sa kuryente kung kaya’t bantulot ang Kongreso na busisiin ito.
Ani Marcoleta, sakaling palarin umano sa Senado, doon niya isusulong ang hangarin na ibaba ang singil sa kuryente.


Leave a comment