Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs (BOC)—Port of Clark ang isang kargamento na naglalaman ng mahigit PhP1.161 milyong halaga ng Methylenedioxymethamphetamine, karaniwang kilala bilang “Ecstasy,” na nakatago sa loob ng heating boiler.
Ang naturang kargamento na idineklarang “Central Heating Boiler,” ay nagmula sa bansang Germany at dumating noong Disyembre 4, 2024.
Unang natuklasan ang kaduda-dudang kargamento dahilan sa mga larawan na nakita sa scanning ng X-ray Inspection Project (XIP) ng BOC. Kasunod na isinagawa ang K-9 sniff test at masusing pisikal na pagsusuri kung saan nakita ang 2.05 kilo ng Ecstasy na nakatago sa loob ng kargamento.
Kinumpirma sa field testing ng PDEA na positibo ang Methylenedioxymethamphetamine, isang mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A. Blg. 9165.
Agad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention para sa naturang shipment dahilan sa paglabag sa itinatakda ng Section 118(g), Section 119(d), and Section 1113 paragraphs f, i, and l (3 and 4) of R.A. No. 10863, or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165.
Ang joint physical examination ay isinagawa kasama ang mga representate mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office III, PNP Aviation Security Unit General Aviation, PNP Drug Enforcement Group III, NBI Pampanga, at mga Barangay Officials of Dau, Mabalacat City.


Leave a comment