Mahigit 800 mga magsasaka sa bayan ng San Marcelino ang nakatanggap ng financial assistance at fertilizer subsidy sa ilalim ng Provincial Government of Zambales’ (PGZ) Fertilizer Subsidy Program.
Isinagawa ang Distribution of Farmers Financial Assistance sa Sitio San Carias, Barangay Loaog noong ika-17 ng Disyembre 2024.
Sa pamumuno ni Gob. Hermogenes Ebdane Jr., ang mga magsasaka ay nakatanggap ng cash assistance at fertilizer voucher na kanilang magagamit upang makabili ng abono nang sa gayun mapataas pa ang produksyon, at mapaunlad ang agrikultura ng munisipalidad.
Dumalo sa pamamahagi sina Senior Agriculturist Arnel Abayan ng Provincial Agriculture Office, San Marcelino Mayor Elmer Soria, Konsehal Nestor Ignacio, Municipal Agriculturist Remin Sardo, at Laoag Barangay Captain Jerry Mariano.
Sa mensahe ni Soria, pinuri nya ang mga magsasaka dahil sa kanilang sipag at tiyaga, pasensya at pagpupursige sa kanilang pagsasaka. Pinakamahalagang sektor ng lipunan aniya ang mga magsasaka o nasa sektor ng agrikultura.
Lubos din ang pasasalamat ni Soria kay Gob. Ebdane sa mga programa nito na pang-agrikultura para sa bayan ng San Marcelino.
Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ni Soria sa PGZ at iba’t-ibang ahensya upang mas lalong mai-angat ang sektor ng agrikultura sa bayan ng San Marcelino.
📸 San Marcelino Information Office


Leave a comment