Ang Pahayagan

Donasyon para sa emergency response

Nag-donate ang embahada ng Estados Unidos ng ilang kagamitan para sa emergency response sa Subic Bay Freeport.

Ang naturang donasyon na anim na yunit ng Unmanned Aerial Vehicles (UAVs) o drones at dalawang Starlink Mobile Internet kit ay inaasahang magpapalakas sa kakayahan para sa pagmamanman at pagtugon ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Seaport, Fire at Law Enforcement department sa anumang ebentuwalidad sa hinaharap.

Laking pasasalamat ni SBMA Chairman and Administrator Eduardo Jose L. Aliño sa US Embassy dahilan aniya na ang mga kagamitang ambag ay gagamitin hindi lamang para sa Subic Freeport, kundi maging kapag nagpadala ang ahensya ng contingent sa mga lugar na nangangailangan ng emergency response support.

Nagbigay din ang US Embassy ng komprehensibong pagsasanay sa ilang piling tauhan para sa epektibo at wastong paggamit ng mga nasabing aparato.

Leave a comment