Ang Pahayagan

Babaeng rebelde patay sa engkuwentro ng Army vs. NPA

RIZAL- Isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng 22nd Division Reconaissance Company  ng Philippine Army at grupo ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Sigsigan, Barangay Bacong, Famy, Laguna nitong Huwebes, Nobyembre 28 kung saan nagresulta ito sa pagkakasawi ng isang babaeng pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng grupo.

Ayon kay Lieutenant Colonel Mark Antony Ruby, Commanding Officer ng 80IB, nagpapatuloy sa kasalukyan ang pagsasagawa ng operasyon upang tugisin ang mga rebelde para na din aniya mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mga komunidad malapit sa lugar.

“Patuloy na bukas ang pintuan ng kasundaluhan at lokal na pamahalaan para sa mga nais magbalik-loob. Sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), handa kaming tumulong upang muling makapagsimula ng maayos na buhay kasama ang kanilang pamilya,” saad pa niya sa mensahe sa 69 Cougar Battalion 7ID social media post.

Naniniwala din ang mga kasundaluhan na may mga sugatan pang kasapi ng NPA sa naganap na labanan kung kaya’t hinikayat nila ang mga ito na huwag aniyang mag-atubiling sumuko upang mabigyan ng agarang tulong at pagpapagamot.

📸 69 Cougar Battalion 7ID

Leave a comment