Ang Pahayagan

Austere Environment Rescue Training isinagawa sa Mariveles

BATAAN– Matagumpay na naisagawa ang anim na araw na Austere Environment Rescue Training na nilahukan ng miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), PSO, Mariveles Rescue Medics, at Brgy. Alasasin Rescuers sa munisipalidad ng Mariveles, Bataan.

Ang naturang pagsasanay ay pinasimulan sa tatlong araw na online session mula Nobyembre 20 hanggang 22 at sinundan ng face-to-face training nitong Nobyembre 24 hanggang 26 na ginanap sa Romalaines Seafoods Restaurant and Leisure Park.

Sa pangunguna ni Dr. Ted Esguerra, kilalang wilderness search and rescue expert, layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga kalahok sa pagharap sa mahihirap na sitwasyon, partikular sa mga kabundukan, gamit ang mga limitadong resources.

Ang pagsasanay ay nagbigay-diin sa mga kinakailangang kasanayan at kaalaman para sa matagumpay na pagsasagawa ng rescue operations sa ilalim ng mga austere o matinding kondisyon.

Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa AboitizPower subsidiary GNPower Dinginin, Dr. Ted Esguerra, at Wilderness Search and Rescue Philippines sa pagsasakatuparan ng makabuluhang inisyatibong ito. (PR)

Leave a comment