Naghatid ng tulong pangkabuhayan ang tanggapan ni Senador Alan Peter Cayetano sa Concepcion-Capas Tarlac Transport Cooperatives (CCTTC) sa ilalim ng kanyang programa na Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment-Integrated Livelihood Program (DOLE-DILP). Ang inisyatibong ito ay nag-abot sa CCTTC ng diesel retailing project, kasama ang 16,400 litro ng krudo na layuning magbigay ng karagdagang kita para sa mga miyembro nito. Sa tulong ni Krisha Mae Calague ng DOLE, naging matagumpay ang patuloy na pagsisikap ni Cayetano sa pagsuporta sa mga kooperatiba at maliliit na negosyo sa bansa. Sa pamamagitan ng PTK Program, natutulungan ang mga kooperatiba tulad ng CCTTC na maging mas matatag ang kabuhayan at mapalakas ang kanilang kakayahang tumugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro at ng komunidad. (PR)


Leave a comment