ZAMBALES – Labing-anim (16) na kolong-kolong ang ipinagkaloob ng AboitizPower para sa mga katutubong Ayta, sa isang turn-over ceremony na ginanap sa Brangay Buhawen, San Macelino, Zambales.
Ang naturang mga motorsiklong may kolong-kolong ay tinanggap ng mga lider-katutubo at mga Indigenous Peoples’ Mandatory Representatives (IPMRs) mula sa tatlong mga barangay ng Buhawen, Aglao at San Rafael naturang munisipalidad.
Layunin ng AboitizPower na magamit ang donasyong kolong-kolong sa mga komunidad ng mga katutubo kung saan walo (8) dito ang para sa Barangay Buhawen habang tig-apat (4) naman ang Barangay Aglao at Barangay San Rafael.
Libre din umano ang maintenance para sa nasabing mga kolong-kolong, ayon sa AboitizPower.
Malugod naman ang pasasalamat ang katugunan ng lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa pangunguna ni Mayor Elmer Soria para sa mga donasyon mula sa naturang kumpanya.
📸 San Marcelino Information Office


Leave a comment