ZAMBALES— Namamahagi na ng libreng binhi ng palay mula sa Dry Season Seed Allocation ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa bayan ng San Marcelino simula nitong Miyerkulas, Oktubre 30.
Ang naturang proyekto ay pinangasiwaan ni Municipal Agriculturist Remin Sardo ng Municipal Agriculture Office batay na din sa atas ni San Marcelino Mayor Elmer Soria.
Ayon kay Sardo, lubos aniya na pinapahalagahan ng lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa pamumuno ng alkalde rito na si Soria ang sektor ng agrikultura bilang pangunahing manggagawa para sa mga produktong tumutugon sa pangangailangan ng kanilang munisipalidad.
Hangad umano ng alkalde na matulungan ang bawat magsasaka rito sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng hybrid at inbred seeds nang sa gayun ay dumami pa ang mga asensedong magsasaka sa kanilang bayan.


Leave a comment