Ang Pahayagan

Magsaysay Bridge sa Subic Bay Freeport pansamantalang binuksan sa motorista

OLONGAPO CITY– Pansamantalang binuksan sa motorista ang bagong gawang Magsaysay Bridge ng Subic Bay Freeport para sa limang araw na dry run simula umaga ng Miyerkules, Oktubre 30, hanggang gabi ng Lunes, Nobyembre 4, 2024.

Binuksan sa trapiko ang naturang tulay ika-7:00 ng umaga matapos ang pagbabasbas na pinangunahan ni Rev. Fr. Renato Roque Villanueva kasama sina Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Director Rolen Paulino, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Director Cynthia Paulino, Metro Olongapo Chamber of Commerce and Industry (MOCCI) President Ruben De Guzman at ilan pang mga opisyales ng Olongapo City.

Nagkakahalaga ng Php396 Milyon ang ginastos sa naturang tulay na sinimulan ang konstruksyon noong Setyembre 2019 makaraang isarado ito sa motorista’t publiko taong 2009 nang makitaan ng mga problemang istraktural dahilan na rin sa kalumaan nito.

Ang Magsaysay Bridge o dating Subic Naval Base Main Gate Bridge ay gawa pa ng US Navy noong 1960’s habang base militar pa lamang ang Subic ng mga Amerikano.

Leave a comment