May banta ng pagkurba pabalik ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Severe Tropical Storm na si Kristine (international name Trami) sa araw ng Linggo o Lunes habang ito ay nasa West Philippine Sea, ayon sa pinakahuling pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang 5:00 ng umaga, Biyernes, Oktubre 25, 2024.
Gayunpaman, ang senaryo na ito ay nakadepende umano sa galaw ng isa pang tropical cyclone na nasa silangan ng PAR region na umaapekto sa kilos ni Kristine,” paglilinaw ng PAGASA sa kanilang bulletin.
Napanatili ni Kristine ang lakas nito habang bumibilis sa ibabaw ng karagatan sa kanluran ng hilagang Luzon habang ang sentro ng mata nito ay tinatayang nasa 125 km. kanluran hilagang-kanluran ng Bacnotan, La Union.
Kumikilos ito ng pakanluran hilagang-kanluran sa susunod na 48 oras at lalabas sa PAR region ngayong hapon kung saan inaasahang lalakas muli ito habang nasa West Philippine Sea.


Leave a comment