Ang Pahayagan

Senate Blue Ribbon Committee, iimbestigahan ang war on drugs

Bibigyan ng nauukol na atensyon ng Senate Blue Ribbon Committee ang isyu ng “war on drugs” sa imbestigasyon na ipinatawag ni Senador Pia Cayetano sa mga extrajudicial killing (EJK) na iniuugnay sa kampanya laban sa droga.

“The issue of illegal drugs and the efforts of the past and present administration to curb its proliferation is a matter of great importance to our people, especially among families who have been victims of the evils it has caused,” wika ni Cayetano sa isang pahayag nitong October 21, 2024.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng pagbibigay diin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ng ang Blue Ribbon Committee lamang ang may eksklusibong awtoridad na mamuno sa imbestigasyon ng Senado.

Pangunahing responsibilidad ng Blue Ribbon Committee ang pagsisiyasat ng mga paratang ng katiwalian, maling pag-uugali, at iba pang mga iregularidad na kinasasangkutan ng mga pampublikong opisyal at ahensya ng gobyerno.

Pero ayon kay Cayetano, si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na chair ng Senate Committee on Justice ang mamumuno sa mga pagdinig dahil kinakailangan ang agarang aksyon.

“Since I am currently attending a summit on Energy for the Energy Committee, which I also chair, it has been agreed that Senator Pimentel will preside over the hearings,” wika niya.

Ang imbestigasyon ay kasabay ng mga pagdinig sa House of Representatives sa EJK kung saan tinalakay ang mga testimonya ng mga pamilya ng mga biktima, law enforcement officials, at human rights advocates.

Sa pagsusuri ng parehong kamara ng Kongreso sa isyu, positibo si Cayetano na magkakaroon ng masusing talakayan at solusyon upang maiwasan ang pang-aabuso sa hinaharap.

“The Blue Ribbon Committee will give it the attention it deserves,” she said. (PR)

Leave a comment