OLONGAPO CITY– Isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang national government agencies, provincial at local government units (LGU’s), academic institutions at civil society organizations, ang Provincial Caravan for the West Philippine Sea para sa lalawigan ng Zambales nitong Martes. Oktubre 22.
Ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mahigit sa 500 kalahok ay ginanap sa SMX Convention Center dito kung saan bitbit ng ang temang “Bayanihang Adhikain, Bayaning Aksyon para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas.”
Bunsod ito sa nauna nang National Summit for the West Philippine Sea noong Agosto 2023 kung saan nabuo ang komprehensibong plano na naglalayong protektahan ang WPS upang masiguro ang food security at inclusive economic growth ng bansa.
Naging panauhing pandangal sa naturang pagtitipon si Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. kung saan nagbigay ito ng ulat hinggil sa mga ginagawang paghahanda ng probinsiya para sa mga mangingisda rito.
Sa talumpati ni Ebdane, layon aniya na ipriesinta ang plano ng probinsiya kaugnay sa kinakaharap na problema ng mga sector ng mga mangingisdaa rito.
Kabilang sa kanyang iprenisitang programa ang pagbuo ng mga kooperatiba para sa mahigit 27,000 na mga mangingisda gayundin ang pagtatag ng Zambales Maritime Council na magsisilbing giya ng mga itatayong kooperatiba.

Ang Zambales Provincial Caravan ay ang ika-lima na sa mga isinagawang aktibidad kung saan nauna nang inilunsad ito sa Puerto Princesa City sa Palawan, Batac, Ilocos Norte, Vigan, Ilocos Sur at La Union.
Layunin ng mga caravan na maipalaganap ang WPS action plans at maisama ang mga programang ito sa local development plans.


Leave a comment