Lumagda ang Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA–BFAR) at ang Cooperative Development Authority (CDA) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang higit pa anilang magpapatibay ang ugnayan ng dalawang ahensya na tugunan ang mga pangangailangan ng mga mangingisda sa bansa.
Ang paglalagda ay pinangunahan nina DA-BFAR Officer-in-Charge Isidro M. Velayo, Jr. at CDA Chairperson Undersecretary Joseph Encabo na ginanap sa CDA Headquarters sa Quezon City nitong Biyernes, Oktubre 18.
Pangunahing layunin sa kasunduan ang bumuo ng mga bagong kooperatiba sa mga organisasyon ng mangingisda, at palakasin ang mga umiiral na kooperatiba sa pamamagitan ng komprehensibong capacity building, pagpapahusay ng mga ugnayan sa merkado, at pagbibigay daan para sa abot-kayang mga pa-utang at pamumuhunan.
Nakatakda rin nitong palakasin ang mga kakayahan at produktibidad ng mga kooperatiba na makibahagi sa aquaculture, post-harvest processing, at marketing ng ani ng mga mangingisda.
📸 BFAR


Leave a comment