Itinanghal at kinoronahan bilang nagwagi si Rubyann Cabalic ng Barangay Belbel, habang 1st Runner-Up si Roxanne Delloro ng Barangay Nacolcol at 2nd Runner-Up naman si Jannah Salazar ng Barangay Porac sa ginanap na Mutya ng Katutubong Ayta 2024 na bahagi sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo sa bayan ng Botolan, Zambales.
Nagpamalas ng kani-kanilang talino, talento at natatanging ganda ang labing-apat (14) na mga katutubong Ayta sa paligsahang ginanap sa Botolan Peoples Plaza.
📸 Photos Botolan LGU’s


Leave a comment