Ang Pahayagan

Paulino Jr. at Ponge, naghain ng kanilang CoC sa huling araw ng filing of candidacy

OLONGAPO CITY—Naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sina Gordon Heights Barangay Chairperson Priscilla “Etchie” Ponge at incumbent mayor Rolen “Lenj” Paulino Jr. sa huling araw ng filing of candidacy sa SMX Convention Center nitong Martes, Oktubre 08, 2024.

Umaga nang ihain ni Ponge, kasama ang kanyang running mate na si konsehala Gina Perez ang kanilang sertipiko ng pagkandidato.

Bitbit ni Ponge na tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas sina Atty Minister Moises Du, Joy Macapagal, Rowel Catigawan, Jack Gardon, Dong Galang, Jason G Lacbain at incumbent Mabayuan Barangay chairman Edwin Manio Esposo.

Dumating naman si Paulino Jr. dakong hapon na sinamahan ng kanyang mga suporter na nagsagawa ng mini-rally sa kalapit na Marikit Park.

Si incumbent Councilor Rodel Cerezo ang magsisilbing ka-tandem nito para vice mayor habang ang line-up niya para konsehal ang halos mayorya sa mga incumbent councilors na sina Tata Paulino. Ying Anonat, Rody Catologan, Jamiel Khonghun Escalona. Delbert Muega, Donald Aquino. Noel Atienza, BJ Cajudo, at Randy C Sionzon

Nauna nang nagsumite ng kanilang COC sina incumbent vice mayor Aquilino “Jong” Cortez noong Linggo at ang negosyante at entertainment promoter na si Arnold Vegafria nito namang Lunes.

Sabado ng maghain ng COC ang iba pang mga aspirante, kabilang sina Konsehala Lugie Lipumano na tatakbo para Bise-Alkalde, at si Konsehal VicVic Magsaysay, na naghahangad ng kanyang ikalawang termino.

Leave a comment